Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang mga lalaki’t babaing karapatdapat na muling buhayahin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay” (Lc. 20:34-36).
Sa tradisyon ng mga Hudio ang pagkakaroon ng mga anak ay mahalaga para mapatuloy ang kanilang lahi at kanilang henerasyon. Para sa mga Hudio kung ang mag-asawa ay walang anak, sila ay parang walang silbi na sa lipunan dahil wala ng magpatuloy sa kanilang henersayon.
Sa ating ebangehelyo tinanong si Hesus tungkol sa muling pagkabuhay. Ang tanong nila kay Hesus ay ganito; “kung merong muling pagkabuhay sino po sa pito ang kikilalaning asawa ng babae, dahil silang pitong magkakapatid ay naging asawa n’ya?”
Ang tugon ni Hesus, “sa muling pagkabuhay ang lahat ay hindi na mamamatay.” Ibig sabihin, hindi na kailangan na mag-asawa para magkalahi ka. Dahil sa langit wala ng kamatayan, wala ng katapusan. Sa langit lahat ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ito ang sinabi ni Hesus. Hindi na magamit ang ating makamundong pag-iisip o pilosopiya sa kaharian ng Diyos. Pero ito ang sabi ni Hesus, sa kanyang kaharian lahat at buhay.
Ibig sabihin nito kung si Kristo ay nasa puso natin tayo ay may buhay. Sa mundong ito maranasan natin ang buhay sa kaharian ng Diyos kung maging sentro ang Diyos sa buhay natin. Dahil para sa Diyos ang lahat ay buhay. Kung may pagsubok ka, may problema ka, wag kang mangamba dahil ang Diyos ang ating pag-asa. Ang Diyos ang magbibigay buhay sa atin, sa kabila ng mga suliranin na hinaharap natin. Lahat ay may pag-asa kung ang Diyos ang ating kasama.
Hinangad mo ba ang buhay na walang hanggan? O baka naman gusto mo lang manatili sa mundong ito na walang kasiguraduhan. Hindi man natin makikita sa mga makamundong mata ang kaharian ng Diyos, pero ating maranasan ang kanyan presenya.
Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay ang ating garantiya na may langit ang muling pagkabuhay, buhay na walang kaptapusan. Buhay na puno ng kasiyahan at kagalakan kasama ang Diyos na pinagmulan ng ating Buhay. Huwag kang tatalikod sa bukal ng buhay, si Kristo, dahil kay Kristo lahat ay buhay!
• Father Jay Flandez SVD