
Sa pamamagitan ng ating Binyag, tayo ay tinawag na makibahagi sa pagmimisyon ng ating Simbahan. Ang ating misyon ay ang pagpapatotoo ng ating pananampalataya. Bakit kailangan pa natin mag misyon? Kailangan natin ang misyon upang ating maipakilala ang ating Diyos. Hindi makilala ang ating Diyos kung hindi natin isabuhay ang ating pananampalataya, kung hindi tayo magbigay ng buhay sa ating kapwa. Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay ang pagpapakilala ng ating Diyos na ating sinasampalatayan.
Bilang Kristiyano tayo ay may pananagutan sa ating tinanggap na Sakramento ng Binyag. Ang ating misyon ay ipakita sa ating pamumuhay na si Kristo ang nagiging sentro sa buhay natin.
Sa ating pagbasa tinawag ni Hesus ang kanyang mga disipulo at sila’y humayo para magpalaganap ng mabuting balita. “Noong panahong iyon, tinawag ni Hesus ang labindalawa, at sinugong dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu, at pinagbilinan: “Sa inyong palalakbay, huwag kayong magdala ng anuman, maliban sa tungkod. Ni pagkain, balutan, salapi sa inyong lukbutan o bihisan, ay huwag kayong magdala.” (Mc. 6: 7-9).
Ang pagmimisyon ay ang pagpalaganap ang kaharian ng Diyos. Kung sumasaatin ang kaharian ng Diyos merong kaayusan, kapaya-
paan, at kasagaan sa ating lipunan. Ito ang kalooban ng Diyos na may kapayapaan sa buhay natin. Maraming kaguluhan ang nangyari sa buong mundo dahil hindi ang kaharian ng Diyos ang kanilang hangarin kundi ang sariling kaharian. Pang-aagaw ng kayamanan, kapangyarihan upang sila ang mag hari. Pero ang tunay na kaharian ng Diyos ay may pag-galang at respeto sa bawat isa, may pag-galang sa kalikasan, at nagbabahaginan.
Nawa’y sa ating Kristiyanong pamumuhay atin ipakita ang Diyos sa ating mga kilos at gawa. Hindi lamang hanggang salita, dapat may gawa ang tunay na nanampalataya.
Ang pagsasabuhay ng ating pananampalataya ay Misyon na may gawa!
Father Jay Flandez SVD