
Sa Linggong ito ating ipinagdiriwang ang dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Si Hesus ang toong Hari sa sanlibutan. Lahat ng kaharian ng tao ay mawawala at matatapos, pero ang kaharian ni Hesus ang manatili. Saan naman ang kanyang kaharian? Bakit wala S’yang mga sundalo?
Tayong tumanggap ng Sakramento ng Binyag ang kanyang mga sundalo. May katungkulan tayo na ating ipaglaban ang kanyang kaharian, hindi ang kaharian ng mga namumuno sa mundong ito. Bilang sundalo ni Kristo ating itaguyod ang kanyang pamamahala at pamumuno sa buhay natin. Dahil hindi maghari si Hesus sa buhay natin kung hindi tayo tapat sa kanya at kung hindi natin sundin ang kanyang pamamaraan. Bilang sundalo ni Kristo, dapat sa kanya lamang ibigay ang ating katapatan, hindi sa sanlibutan.
Sa ating ebanghelyo si Pilato ay nagugulahan sa pagkakilanlan ni Hesus. Kung wala sa atin ang katotohanan hindi natin alam ang tamang daan, tamang pamamaraan sa pamumuhay natin bilang mga sundalo ni Kristo. Kung wala ang katotohanan sa atin hindi natin maipaglaban ang kaharian ng Diyos. Ang katotohanan ang magbibigay sa atin ng lakas at direksyon sa buhay natin upang ating marating ang buhay na walang hanggan.
Buhay na puno ng galak at kapayapaan.
“Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.”(Jn. 18:37). Si Hesus ay pumarito para magsalita tungkol sa katotohanan ng kanyang kaharian. Siya ang ating daan, katotohanan at ang buhay. Upang ating marating ang kanyang kaharian, ating S’yang pakinggan at sundin ang kanyang pamamaraan upang ating matagumpayan ang ating paglalakbay tungo sa kanyang kaharian.
Ang tunay na sundalo ni Kristo ay nakikinig at tapat sa kanyang pamamaraan.
Sundalo ni Kristo maging totoo ka sa pananampalataya mo, upang mapabilang sa kanyang paghahari.
Father Jay Flandez SVD