Matutong humingi ng kapatawaran

Matutong humingi ng kapatawaran

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

“Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” 

Mabuti ang Panginoon at mahabagin sa atin. Kung ililista at bibilangin ang ating mga kasalanan o utang sa Diyos eh baka hindi tayo makabayad o makaahon. Subalit ang Diyos ay mabuti at hangad nya na tayo’y nasa kanyang piling. 

Sino nga ba naman ang hindi nagkasala sa isip, salita o sa gawa. Kaya nga sa simula ng Misa ang ating unang dasal ay pag amin sa ating kasalanan o pagkakamali sa Diyos at sa kapwa.  Nagpapakumbaba tayo sa harap ng Diyos at ng komunidad na patawarin tayo sa ating mga sala. Yumuyuko tayo para humihingi ng habag. Inaamin natin na una sa lahat at higit sa lahat tayo ay makasalanan at kailangan ang kapatawaran. Katulad ng babaing nahuling nagkasala, duon tayo sa tabi ni Hesus. 

Ang aral din ng Ebangjelyo sa atin ay kababaang loob at hindi paghuhusga. Katulad ng babae umasa tayo sa habag ng Diyos. At nawa’y iwasan natin ang maghusga ng kapwa at kanilang kahinaan. Iwasan natin ang mambato at manira. Alam ng Diyos ang ating buhay at pinagdadaanan. Sa mata ng Diyos wala tayong maipagmamalaki. Lahat tayo ay mag kasala at kailangan ang kapatawaran. 

Katulad ni Pablo sa Unang Pagbasa, maging mapagpakumbaba siya ng ipahayag nya ito “Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtan ko lamang si Kristo, at lubos na makiisa sa kanya”. Walang halaga ang lahat ng bagay kung tayo ay malayo kay Hesus. Wala tayong maipagyayabang sa harap ng Diyos. Yumuko tayo sa harap ng Diyos at himingi ng tawag. Panginoon, patawad po sa lahat ng aking kasalanan na aking nagawa sa isip, salita at sa gawa. At kung meron mang manghuhusga at babato sa atin dahil sa ating pagkakamali, eh magpakumbaba tayo. Ipasa Diyos natin ang lahat.  Sabi nga ni Hesus sa babae; “Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkasala.”

Kapit tayo kay Hesus sa gitna ng sala at kahinaan. Sya ang magbibigay sa atin ng lakas, pagasa, kapatawaran at pagmamahal. 

Kahabagan at palayain tayo ng Diyos sa ating mga pagkakamali. Mahal tayo ng Diyos at hangad nya ang ating kapayapaan at kaligtasan.

Father Arnold Abelardo CMF

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________