Ibigay mo ang para sa Panginoon!

Ibigay mo ang para sa Panginoon!

Kung gayon, ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa   -Diyos ang sa Diyos.” (Mt. 22:21). 

Ang ating pagbasa sa Linggong ito ay nagpapa-alala sa atin, na tayo bilang kasapi ng Simbahan ay may katungkulan din sa ating lipunan. Si Hesus mismo ay nag-utos sa kanyang mga alagad na magbigay ng para kay Cesar. Sino si Cesar? S’ya ay isang Emperador, isang politikal lider ng Jerusalem. Ang punto ni Hesus dito, tayo bilang kasapi ng isang lipunan ay may katungkulan din upang mapalago ang ag ating lipunan, para sa ikabubuti ng karamihan. Ang pagtulong sa lipunan ay ang pagsuporta para sa ikabubuti ng karamihan.

May misyon tayo na ipalaganap ang kaharian ng Diyos dito sa mundo. Paano? Sa pamamagitan ng ating pagsasabuhay ng ating pananampalataya. Ang isang Katoliko ay hindi lamang naka “focus” ang kanyang buhay sa Simbahan, dapat din tayo tumulong sa ating kababayan na nakalimutan na ng ating pamahalaan. Ang Simbahan ay nagtuturo  sa atin kung paano tayo maging tunay na Simbahan. Ang mga Obispo sa buong mundo, may mga kasama na Layko nagkakatipon para talakayin ang Synodal Church. 

May mga pagninilay na kung ano ba ang “Synodal Church”? Dapat ang  Simbahan na marunong lumakbay sa mga taong hindi na naging aktibo sa Simbahan. Ibig sabihin sasamahan natin sila sa kanilang paglalakbay upang tatahakin ulit nila ang daan ng isang “Synodal Church”. Hindi eksklusibo ang ating Simbahan. Ang Simbahan ay para sa lahat. Pero kung tayo ay handang maging tunay na Simbahan, buksan din natin ang ating isip at puso’t na tumanggap sa turo at hamon ni Hesus na magbago upang si Kristo ang maging sentro sa buhay natin. 

Ang “Synodal Church” ay hindi makasarili, hindi iniisip ang kanyang sarili. Bilang kasapi ng Simbahan huwag mong isipin lamang ang iyong sarili, naging bahagi ka ng ng katawan ni Kristo. Limutin mo na ang sarili mong kapakanan at isipin mo ang ikakabuti para sa ating Simbahan. 

Si Hesus, na nagtatag ng ating Simbahan ay nagpapa-alala sa atin na ang ating buhay ay hindi maging ganap kung hiwalay tayo sa Diyos at sa ating kapwa. Maging ganap lamang ang ating pagka-Katoliko kung tayo ay maging tunay na “Synodal Church.”

Ang buhay mo ay pag-aari ng Diyos, samakatwid, ibigay mo ang katapatan mo kay Kristo. 

Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________