
By Annaliza Aquino
Simbolo para sa karamihan
Bagong pag-asa pagkatapos ng ulan
Makulay na talaarawan
Para sa lumipas na nakaraan.
Pagmasdan ang ganda ng bagong himpapawid
Nakulayan pagkatapos ng malamlam na paligid
Ganyan din ang buhay natin, kaibigan
Sa bawat pagdilim, may kaliwanagan.
Salamat sa iyo, mahal na bahaghari
Ikaw ang nagbibigay tuwa lagi
Sa mga batang may hikbi at sa mga katulad kong inaapi
Tuwing masisilayan ka nabubuo ang bagong pag ngiti.
Bahagharing makulay
Sa akin ay umagapay
Tungo sa tagumpay
Nang bagong umaga’y sumilay
Huwag mawawalan ng pag-asa sa buhay.
Related posts:
Turning down family requests at Christmas
2020-12-04Notice Board
Honouring St. Joseph in the Eucharist
2021-09-17Features | Commentary
A restorative approach to policing reform: Lessons from Northern Ireland
2020-01-02Features | Commentary
The safest social media platforms for children
2024-03-15Cullen's Corner
___________________________________________________________________________