
Ito ang paanyaya ni Hesus sa ating lahat, ang lumapit sa kanya at makilala sya. Anuman ang ating pinagdadaanan sa buhay ngayon, ang sabi ni Hesus ay lumapit tayo sa kanya. Sa gitna ng kawalan o kalungkutan o karamdaman o maging sa pangungulila ang sabi ni Hesus, Tara lumapit ka at ako ang bahala sayo.
Sa gitna ng pandemya na ating pinagdadaanan ngayon, madami ang naapektuhan ay nahihirapan. Sa ating mga kapatid na OFWs, ang lungkot at pangungulilala sa pamilya ay araw araw na pakikibaka. Pag dumapo ang sakit sa sarili o pamilya minsan eh para bang kahirap harapin ang buhay. Kaya ang Salita ni Hesus at pag imbita nya na lumapit sa kanya at idulog ang lahat at pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa atin.
Kay sarap maramdaman na si Hesus ay andyan sa ating tabi at sa atin. Kaya mahalaga ang ating buhay espiritwal at pananalangin.
Mahalaga na makilala natin si Hesus na lubusan at makinig sa kanyang Salita.
Kaya kapatid anuman ang pinagdadaanan mo ngayon sa buhay, lapit at kapit lang kay Hesus. Sabi nya pagagaanin nya ang bigat na ating dinadala.
Tara lapit tayo kay Hesus dahil hindi sya nang iiwan. Tara lapit tayo kay Hesus dahil sya ang maghihilom sa ating mga sugat.
Tara lapit tayo kay Hesus dahil sya ang ating pag-asa at kaligtasan. Tara lapit na tayo kay Hesus at naghihintay sya.
● Father Arnold Abelardo CMF