Pagbabago para kay Kristo!

Pagbabago para kay Kristo!

Panahon na ng Kwaresma. Magandang oportunidad ito na magkaroon tayo ng oras para manalangin at magnilay. Kelan ka huling pumasok sa simbahan o kapilya ngayong panahon ng pandemya? Sa Pilipinas inabot ng matagal bago nakapasok uli sa simbahan ang mga tao para magdasal o maki Misa. Madami ang nahirapan talaga. At ngayon halos 50% lang ang pwedeng magsimba. Tapos ang mga seniors na matanda na eh di pa din pwede lumabas. Kaya ang simbahan eh lalong napakahalaga para sa madaming tao. 

Ngayon, imagine mo si Hesus sa ebanghelyo na pagdating nya sa templo eh nagkalat ang negosyante, tindera at pautangan o palitan ng goods at pera. First time natin nakita si Hesus na nagwala at tinapon ang mga paninda at binugaw ang mga hayop. 

Eh kasi nga para kay Hesus ang templo ay bahay dalanginan. Ang templo ay sagradong lugar. At sa templo nananahan ang Diyos at ang bayang sumasampalataya sa kanya. Kaya ngayon panahon ng Kwaresma tinatawag tayo ng ebanghelyo na pumasok sa templo at magdasal at pagnilayan ang mga utos ng Diyos. 

Isipin natin at damahin ang pagmamahal at pagpapatawad at pagliligtas ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Hesus. Luma-pit tayo kay Hesus na may kababaang loob at tapat na pananampalataya. 

Ngayong panahon ng Kwaresma, tayo po ay manalangin, mag sakripisyo at magbahagi. Si Hesus ang bagong santuwaryo at tayo ang templo.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________