Bukod na pinagpala si Maria sa babaeng lahat

Bukod na pinagpala si Maria sa babaeng lahat

Dakila at bukod na pinagpala si Maria sa lahat ng babae dahil sa kanyang katapatan at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Si Maria ay tumugon ng oo sa Panginoon na tanggapin si Hesus sa kanyang sinapupunan. Dahil dito, si Maria ay pinagpala. Kinalugdan sya ng Diyos. 

At sa awit ni Maria, ang Magnificat, ay pagpapahayag ng kanyang papuri at pasasalamat sa Diyos. Ang sigaw ni Maria, “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!” Ay sigaw ng pag-asa. Napakagandang awit ng panalangin ni Maria sa kanyang pagkilala sa kabutihan at kagandahang loob ng Diyos. Samahan natin si Maria sa kanyang pagpuri at pasasalamat sa Diyos na ating tagapag ligtas. 

Sa panahon ngayon ng pandemya huwag nating kalimutang mag puri at magpasalamat sa Diyos. Hindi tayo pababayaan ng Diyos at tayo ay kanyang iaangat at pagagalingin. 

Kasama ni Maria, ang Ina ni Hesus, purihin natin ang Diyos at siya’y pasalamatan. Nawa’y tulungan tayo ni Maria na mas makilala pa ang kanyang anak na si Hesus. Pagpalain tayo ng Diyos, pagalingin sa karamdaman at ilayo sa panganib. Purihin ang Panginoon, ngayon at magpakailan man.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________