
Nalilito ka ba sa mensahe ni Hesus? Kasi minsan sabi nya “Kapayapaan iniiwan ko sa inyo” tapos ngayon naman eh hindi daw kapayapaan ang dala nya kundi kaguluhan at pagkakahiwalay ng pamilya” . Sa totoo lang Ang mensahe ni Hesus eh hindi naman magkasalungat. Kapayapaan naman talaga ang bigay ni Hesus. Kabutihan, katarungan at pagmamahal ang dala nya. Ang pagkakabahagi o paghihiwalay ng pamilya o maging samahan ay dulot ng maling pagsasabuhay ng pananampalataya bilang tagasunod ni Hesus. May tatanggap sa mensahe o Mabuting Balita ng Panginoon ay meron din namang kokontra. Nangyayari ito pag magkasalungat ang pananaw. May dulot na kaguluhan o minsan me away pa. Pero sabi nga din ni Hesus na sana ay nagniningas ang apoy na dala nya sa Lupa. Ang apoy o alab ng Pagibig. Ang apoy na nagbibigay ng lakas. Ang apoy na magdudulot din ng sakit at sakrispisyo. At minsan mangyayari ang paghihiwalay sa pamilya o kumunidad dahil sa pagsunod natin kay Hesus. Ang mahalaga ay manatili ang alab o apoy ng Pagibig ni Hesus sa ating puso. Kahit sa gitna ng kaguluhan ay madama natin ang init ng Pagmamahal ni Hesus.
Father Arnold Abelardo CMF