Diyos munahigit sa lahat

Diyos munahigit sa lahat

Maliwanag ang aya ni Hesus sa atin na bago ang lahat, ang Diyos muna ang ating unahin. Una ang Maykapal at pangalawa ang ating pamilya at iba pang alalahanin sa buhay. Ibig sabihin ay hanapin muna natin ang kaharian ng Diyos, ang kanyang kalooban bago ang lahat. 

Pero yun nga sa pag una natin sa Diyos, kailangan maging handa tayong mag paşan ng Krus. May kasamang sakripisyo at paghihirap. Sa pag una natin sa Diyos eh madami tayong masasagasaan o matatamaan. Lalo na pag patungkol sa katotohanan at katarungan. Pag inuna natin ang Diyos eh hindi tayo pwedeng mag sa walang kibo sa mga masamang nagaganap sa ating lipunan. Pag inuna natin ang Diyos eh tiyak na may Krus tayong papasanin dahil sa paglaban natin sa mali at tiwali sa ating lipunan. 

At para makayanan natin ang pagkarga sa Krus, mahalaga na tayoy handa. Hindi ka naman mag byahe ng walang pamasahe di ba? Di ka naman kakain sa restaurant ng walang pambayad di ba? Mahalaga ang laging ready.  At sa buhay espiritwal at relasyon sa Diyos, mahalaga na matatag ang ating pananampalataya. Matibay ang ating loob. At dyan papasok ang pananalangin. Pagsimba at pagbabasa at pagninilay ng Bibliya o Salita ng Diyos. 

Pag inuna natin ang Diyos higit sa ating pamilya, trabaho at gamit, lahat naman na yan eh ipagkakaloob din nya. Dahil sa totoo lang, sa Diyos nagmula ang lahat. Higit ang Diyos sa lahat dahil sya ang simula ng lahat. 

Kaya unahin natin ang Diyos. Ialay natin sa Diyos ang lahat. Sundin natin ang kanyang kalooban. Hanapin natin kanyang kaharian at lahat ay ipagkakaloob din sa atin ng Diyos.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________