Linggo ng misyon

Linggo ng misyon

Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng Misyon, isang araw kung kailan muling pinaaalala sa buong Simbahan ang kanyang tungkulin na dalhin ang liwanag ni Kristo sa lahat ng tao. Lalong lalo na para sa mga Dukha at sugatan. Sa Aklat ni Propeta Isaias (60:1-6), sinasabi na ang kaluwalhatian ng Diyos ay sumisinag sa Kanyang bayan, kaya’t ang mga bansa ay naaakit sa Kanyang liwanag. Sa Aklat ng Pahayag (1:3-8), pinaaalala sa atin na si Kristo, ang Alpha at ang Omega, ang tapat na saksi na nagpalaya sa atin sa pamamagitan ng Kanyang dugo. Sa Ebanghelyo (Juan 17:11b, 17-23), nananalangin si Hesus na ang Kanyang mga alagad ay italaga sa katotohanan at magkaisa sa pag-ibig, upang maniwala ang sanlibutan. Ang liturhiya sa araw na ito ay nagsusugo sa atin bilang mga saksi ng liwanag at pag-ibig ni Kristo hanggang sa dulo ng daigdig.

Sa panahon ngayon ng mga disaster at sakuna sa ating Mahal na Pilipinas, bawat maging mensahe tayo ng Pagasa at Liwanag para sa mga na apektuhan ng lindol at iba pang kalamidad.  Sa Ebanghelyo ni Lukas, sinasabi ni Hesus na maari nating kulitin ang Diyos sa ating mga kailangan sa buhay. Huwag tayo mag give up agad. “Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal”. Mag tiwala tayo sa kagandahang loob ng Diyos. Hindi na tayo pababayaan.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________