Simbahan angkatawan ni Kristo!

Simbahan angkatawan ni Kristo!

Dahil dito’y tinanong siya ng mga Judio, “Anong tanda ang maibibigay mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” Tumugon si Hesus, “Gibain ninyo ang templong ito at muli kong itatayo sa loob ng tatlong araw.” Sinabi ng mga Judio, “Apatnapu’t anim na taon na ginawa ang templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templong tinutukoy ni Hesus ay ang kanyang katawan. (Jn. 2:18-20).

Sa pamamagitan ng ating binyag ang ating katawan ay nagiging templo ng Banal na Espiritu Santo. Ang Banal na Espiritu Santo ang magiging gabay sa ating paglalakbay bilang Simbahan. Hindi natin mapakinggan ang tinig ng Espiritu Santo kung tayo ay nakatuon lamang sa ating makamundong pag-iisip at hiwalay tayo sa Simbahan. Hinahamon tayo bilang kasapi ng Simbahan na magbago sa sa ating pamamaraan lalong-lalo sa pag-iisip at pamamaraan ng ating pamumuhay. Hindi ang makamundong pamantayan ang ating gagamitin kung ang ang gabay ng Espiritu Santo sa buhay natin. Bilang kasapi ng Simbahan dapat ang ating pakinggan ay ang tinig at gabay ng Espiritu Santo na kasama natin. Ang Simbahan nakikinig sa Espiritu Santo ay ang Simbahan hindi mawawala sa kanyang paglalakbay tungo sa kaharian ng Diyos. 

Bilang “Synodal Church” dapat bahagi ng ating pamumuhay ay ang pakikinig sa mga pangyayari ng ating pamayanan, ng ating sanlibutan. Paano tayo maka-tutugon bilang Simbahan kung hindi tayo marunong makinig sa mga pangyayari ng ating sanlibutan? Ang Simbahan, ay ang katawan ni Kristo. Tayo, bilang katawan ni Kristo ay patuloy sa ating pag-mimisyon upang ipalaganap ang kaharian ng Diyos. Ang Simbahan ay tumutugon upang gabayan ang sanlibutan na napuno na ng kadiliman at kasakiman. 

Sa ating ebanghelyo si Hesus ay nagalit sa mga tao, dahil ang simbahan, bahay dalanginan ay naging mercado, o pamilihan. Nawala ang kanyang layunin na maghatid ng pagbabago sa mga tao, sa pamamagitan ng pagtatagpo sa Diyos, katahimikan, at kabanalan. Ito ang hangad natin bilang kasapi ng Simbahan ang buhay kabanalan at paglilingkod sa kapwa. 

Bilang katawan ni Kristo meron tayong katungkulan o misyon para sa ating sanlibutan. Ito ang dahilan na ang Simbahan ay marunong makipag-kapwa lalong lalo na sa mga taong nawalay sa ating lipunan. Sa mga taong nabulag sa kasakiman. At ang mga taong nakalimutan na ng ating pamayanan. Ang simbahan, bilang katawan ni Kristo ang naghahanap sa mga nawawalang tupa upang maibalik sa kawan.

Hindi magiging ganap ang ating tinanggap sa binyag kung hindi tayo nag-mimisyon para sa pagbabago ng sanlibutan.

Ikaw binyagan makilahok sa misyon ng Simbahan!

Father Jay Flandez SVD

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________