Hanapin natin si Hesus

Hanapin natin si Hesus

Katulad ng  Tatlong Pantas hanapin natin si Hesus, “Nasaan ang ipinanganak na Hari ng mga Judio?

Naglakbay sila patungong Betlehem para i alay sa Sanggol ang dala nilang ginto, kamanyang at mira. Tanging Ang liwanag ng tala ang kanilang gabay. 

Kami ng kanilang galak ng matagpuan si Hesus sa sabsaban kasama sila Maria at Jose. 

Tayo naman sa ating paglalakbay, matagpuan nawa natin si Hesus saan man tayo makarating. Maraming OFWs ang naglalakbay sa ibat ibang panig ng mundo. Ang unang hinahanap ay Simbahan o sabsaban para matagpuan si Jesus. Ang paanyaya o challenge sa atin ay ano ang ating iaalay sa Sanggol? Mula sa ating puso ano ang handa nating ibigay kay Hesus? Panalangin ba? Katapatan? Pagtitiwala? Paghingi ng tawad at Pasasalamat? Ibukas natin ang ating puso at isip kay Hesus. Hanapin natin sya. Patuluyin natin sya sa ating buhay, sa ating pamilya, sa ating trabaho. Mag alay tayo ng pasasalamat. Purihin natin ang Diyos sa pagbibigay ng kanyang Bugtong na Anak. Kaya may Pasko ay dahil kay Hesus. At sya ang dakilang regalo ng Diyos para sa ating lahat. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________