Binuksan nila ang kanilang mga sisidlan at inihandog sa kanya ang dala nilang ginto, kamanyang at mira.”
Mahalaga sa atin ang Pista ng 3 Hari o ang patungkol sa mga pantas. Naglakbay sila para hanapin si Hesus na isinilang as Bethlehem. Gabay ang tala at natagpuan nila ang bata sa piling ng kanyang inang si Maria at tatay na si Jose. May dala silang regalo, ang ginto, kamanayang at mira.
Para sa ating mga OFWs ang maglakbay sa ibang bànsa ay isang paghahanap ng kabuhayan para sa ating mga pamilya.
Gabay ang tala, ang panalangin at pananampalataya kay Hesus ay nakikipag sapalaran. Ang mga Pantas at mga manlalakbay din. Naghahanap din sila, at si Hesus ang kanilang pakay. At mapuri sya at maalayan ng handog.
Para sa ating mga pamilya na naglalakbay, iba naman ang ating kwento dahil tayo dala na natin si Jesus sa ating paglalakbay. Umaasa sa kanyang patunubay at proteksyon.
Ang tala at liwanag ng kanyang pagmamahal ang ating tanging pinaghuhugutan ng lahat. Maari nating itanong din kung ano ang ating regalo kay Hesus sa ating pagkilala sa kanya. At mahalaga na makita natin ang presensya ni Hesus sa mga dukha as iba’t ibang sabsaban. Sa mga bahay ampunan, sa kalye at maging sa ating mga mahal sa buhay.
Maging malaya at bukas tayong maghandog ng alay ng pag-asa, pagpapatawad at pagmamahal. Happy New Year po sa inyo. Nawa’y ating matagpuan si Hesus sa ating araw araw na pamumuhay at pakikiisa sa ating kapwa. Pagpalain po tayo ni Hesus at ingatan nya lagi.
• Father Arnold Abelardo









