Ang pagsunod kay Hesus ay paglilingkod

Ang pagsunod kay Hesus ay paglilingkod

Nasanay tayo sa iba’t ibang contest o labanan. Sa Miss Universe unahan sa pagandahan. Sa boxing naman matira matibay o pinakamalakas. Sa school naman pataasan ng grades kung sino pinakamatalino. Lahat gusto mauna o maging number 1. Kung sino pinaka- mayaman sya pinakasikat. Ito ang parang panuntunan sa ating lipunan. Unahan sa lahat ng bagay. 

Pero para kay Hesus, hindi ito ang kalooban ng Diyos para sa atin. Ang kaharian ng Diyos ay hindi pagalingan o painaman. Ang pagsunod kay Hesus ay paglilingkod. Ayon kay Hesus ang nais maging una ay mahuli. Ibig sabihin ay magpakumbaba at maglingkod. Ang pagsunod kay Hesus ay pagmamahal sa kapwa lalo na sa mga maliliit at dukha. Tinuturuan tayo ni Jesus na kailangan nating tanggapin at paglingkuran ang mga walang inaasahan kundi ang Diyos. Kung minsan gusto natin laging tayo ang una. 

Gusto  natin tayo lagi ang panalo. Gusto natin tayo pinaka- mataas at mahusay sa lahat. Pero iba ang halimbawa ni Hesus. Sya na Diyos mismo ay nagpakumbaba at ipinako sa Krus para sa ating lahat. Naging tapat si Hesus hanggang sa huli. Tayong lahat ay tinatawag ni Hesus na sumunod sa kanyang halimbawa na maging lingkod ng lahat. Hanapin natin at hangarin ang kalooban ng Diyos at lahat ay kanyang ibibigay sa atin ayon sa kanyang pagibig. 

Ituon natin ang ating puso at isip sa Diyos at sya ang bahala sa atin. Huwag nating hangaring maging una sa maka-mundong paraan. Ang hangarin natin ay makapaglingkod ayon sa kanyang kalooban. 

Pagpalain at ingatan tayo ng Diyos at gabayan lagi ang ating mga plano sa buhay.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________