Na experience mo na ba ang mawala sa paglalakabay lalo na pag mga kalye sa syudad ang hinahanap? Sa Pilipinas pag naghahanap ka ng lugar eh madaling magtanong at laging ingunguso o ituturo sayo ang direksyon. Pero ngayon iba na at mas madali ka nga basta May Waze kay o google map lahat mapupuntahan mo. Kaya lang minsan hindi accurate ang mga App na yan at nawawala pa din tayo ay nangangamba ay minsan me takot sa byahe.
Pero tingnan natin at pag nilayan ang sinabi ni Hesus sa mga tao. “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin”. Sinasabi ni Hesus sa atin na mag tiwala tayo sa kanya dahil tama ang direksyon na ibinibigay nya sa atin. Huwag daw tayo mag alala o matakot man. Kasi nga si Hesus mismo ang Daan. Si Hesus mismo ang Katotohanan. Si Hesus mismo ang buhay nating lahat. Kaya kung sa ating paglalakabay nahihirapan tayo minsan dahil sa bigat ng trabaho o pagkainip o lungkot dahil malayo sa pamilya, isipin natin lagi ang Salita ni Hesus na huwag tayong mabalisa o matakot. Ang Salita ni Hesus ay nagpapalakas at nagpapaalis ng pangamba. Kasi nga si Hesus mismo ang ating Gaby. Si Hesus ang ating Liwanag sa dilim. Si Hesus ang katotohanan sa gitna ng ating pag aalinlangan. Si Hesus ang Buhay na nabibigay sa ating ng lakas at pagasa. Higit sa lahat, si Hesus ang nagbibigay sa ating ng kaligtasan at Buhay na walang hanggan. Kaya kaibigan, Yung Buhay natin dito sa mundo ay pansamantala lamang. Merong mas magandang lugar para sa ating lahat. Di ba sabi nga ni Hesus “Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid “; at ipaghahanda nya tayo ng lugar. Ganyan tayo kamahal ng Diyos. Ibinigay na sa ating lahat; ang Daan, katotohanan at Buhay. Magpuri at mag pasalamat tayo sa Diyos. Hindi nya tayo pababayaan. Kaya kapatid, Huwag kang mangamba. Hawak lang tayo kay Lord. Tiwala lang. Hindi nya tayo pababayaan. Eka eh; Sagot tayo ng Diyos.
Father Arnold Abelardo CMF









