
Lahat sıla nagtatanong kay Juan Bautista kung ano ang dapat nilang gawin. Maaaring gusto nilang maghanda o pwedeng dala ng takot Kaya gusto nilang malamang ang tama. Dahil alam nila na padating ang Mesias kaya sabik silang malaman kung ano ihahanda. Tayong mga Filipino ay sanay sa handaan at parang boyscouts o girls scout na paging handa. Pag me fiesta todo ganda tayo dahil ayaw nating mapahiya sa mga bisita.
Pero-kay Juan, ibang paghahanda ang hamon nya. Sabi mga ni Juan “Kung mayroon kang dalawang baro, bigyan mo ng isa ang wala. Ganyan din ang gawin ng mga may pagkain,” para kay Juan mahalaga ang pag gawa ng mabuti, tama at makatarungan. Sa pagdating ni Hesus ihanda natin ang ating sarili para sa paglilingkod sa ating kapwa. Alalahanin ang mga nagugutom, damitan ang mga hubad mahalin at pag malasakitan ang mga dukha.
Ikaw ano ang kaya mong gawin?
Father Arnold Abelardo CMF