
May kasabihan dati na ang Kay Pedro ay Kay Pedro at ang Kay Pablo ay Kay Pablo. Pero nung tanungin ni Hesus ang kanyang mga alagad ng , “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” İba’t iba ang pananaw ng mga tao. Pero ang mga disipulo iisa ang sagot, si Hesus ang Mesiyas. At later on sila Pedro at Pablo ay nagkakaisa at hindi kanya kanya. Pareho silang na kay Kristo. Pareho silang naglingkod kay Hesus. Nagkaisa sila sa pag kilala.
Magandang tanong din sa atin ito kung sino ba si Hesus para sa atin. Kilala ba natin talaga si Hesus? Kaibigan ba? Kasama? Kapatid? Mesiyas at Diyos ba si Hesus para sa atin? Magiging mas matatag ang ating pananampalataya kay Hesus kung mas makilala natin sya. Sabi ng isang Santo dati “Ignorance of the Bible is ignorance of Christ”. Paano ba natin nakilala si Hesus?
Sana mas makilala natin si Hesus bilang Tagapagligtas. Si Hesus na taga hilom ng sugat. Si Hesus na ating kapatid at kaibigan. Sya ang ating Diyos at tayo ang kanyang mga alagad.
Father Arnold Abelardo CMF