
Tayong mga Pilipino ay kilala sa mundo sa pagiging hospitable o mapagtanggap at maasikaso. Başta may bisita tayo eh todo handa at istima sa mga tao. Sa mga Fiesta, kasal o binyag eh super ang ating mga handang pagkain. Gusto kasi nating mabusog at masaya ang ating mga bisita. Madalas nga me pa sharon o pabalot pa ng pagkain paguwi ng bisita.
Sa Ebanghelyo ni Lukas, ipinakita nila Marta at Maria ang pag istima at asikaso nila sa kanilang bisita, si Hesus. Para kila Marta at Maria ang pagtanggap nila kay Hesus ay pag alay ng hospitality, pag asikaso, pag alaga at pakikinig. Buhos talaga ang atensyon nila kay Hesus. Mag alay ng tubig, paboritong pagkain at merienda ni Hesus. Maka alis uhaw, gutom at pagod ng Panginoon sa mga pagiikot nya at pag misyon. Yan ang pagmamahal nila sa Panginoon.
Sa ating panahon tinatawag tayong maging hospitable, mapagtanggap at mapakinig. Ang mayakap natin at matanggap ang ating kapwa ay pagyakap at pag tanggap Kay Hesus. Di ba nga sabi nya “anumang ginawa mo sa iyong kapwa ay ginawa mo kay Hesus. Sa bawat kumakatok sa ating pintuan, si Hesus ang bisita natin sa katauhan ng ating pamilya, kaibigan, kapitbahay, dayuhan, imigrante, at mga nangangailangan.
Maging mapagtanggap nawa tayo kay Hesus sa Misa, sa Biblia at sa ating kapwa, lalo na sa mga dukha at walang walang inaasahan kundi ang Diyos mismo. Pagpalain nawa tayo ng Diyos at maging bukas ang ating puso at tahanan sa mga nangangailangan.
Father Arnold Abelardo CMF