Tiwala at pag-asasa gitna ng sakuna

Tiwala at pag-asasa gitna ng sakuna

Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian laban sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.” Ang tangi nating Sigaw ay “Tabang Lord” Tulong Lord. 

Sa mensaheng ito ni Lucas, parang nakakatakot nga dahil sa dami ng lindol, baha, at mga sakuna na nagaganap sa ating bansa. May digmaan sa ibat ibang panig ng mundo. Nakakatakot talaga at nakaka bahala. Subalit sa gitna ng mga senyales at kaguluhan tayo ay tinatawag ni Hesus na manalig, mag tiwala at mag sakripisyo. Ang maging mabuti. 

Ang tayoy maging matatag sa gitna ng mga disaster na dumadating sa ating buhay. Nung nag outreach ako sa Cebu sa na apektuhan ng lindol, nakita na madaming simbahan at bahay ang nasira at bumagsak. Pero laki ng aking pag hanga sa mga tao dahil nanatili silang nakatayo at tumatawag sa Panginoon. Sigaw nila sa Cebu ay “Tabang Lord” o kaya ay Tulong Lord. Bagamat madaming nawalan ng bahay at maging ng buhay, pero hindi nawala at hindi nasira ang kanilang pananampalataya at pagasa sa Diyos. 

Pag may disaster na dumating sa ating buhay at komunidad, kapit lang tayo kay Lord. Hindi nya tayo pababayaan.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________