Laging handa!

Laging handa!

I handa ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!”

Malakas ang sigaw ni Juan Bautista, nakakabingi, nakaka konsensya. Magbago na daw tayo. Maging handa, talikdan ang kasalanan at kasamaan dahil parating na ang Paginoon. Ihanda natin ang daan at lumakad tayo ng matuwid at huwag baluktot. Diretso lang kay Hesus. Hindi dapat urong sulong. 

Kaya sa paglalakbay natin ngayong Adbyento, tayo ay naghahanda para sa ganap na pagdating ni Kristo sa ating pamilya at komunidad. Kailangan nating maging mga taong puspos ng Espiritu ni Kristo. Inihayag nina Isaias at Juan Bautista ang Tagapagligtas bilang isang taong lubos na napuspos ng Espiritu ng Diyos. Bibinyagan niya tayo sa pamamagitan ng Espiritu ng apoy. Sinasabi sa atin ni Juan: Hayaan ninyong baguhin ng Espiritung ito ng apoy ang inyong pag-iisip, inyong mga saloobin, inyong mga paraan ng pamumuhay, upang tunay na mamuhay si Jesus sa gitna natin at gawing isang lugar ng pagkakaisa at katapatan, ng katarungan at kapayapaan ang mundong ito. Hayaan nating ibuhos ni Jesus ang Espiritung ito sa atin buhay. 

Maging handa tayo sa isip, sa salita at sa gawa.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________