Ang pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo

Ang pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo

Palm Sunday kaya dala natin mga palaspas. Masaya at masigla ang lahat. Hudyat na ng Mahal na Araw.

Sumisigaw sila ng Hosanna Hesus. Kumakaway, pumapa-lakpak. Anak ni David Mabuhay ka. 

At pagkatapos uusigin na si Hesus, duduraan sya at pagtatawanan ng mga tao. 

Imagine mo ipinagkanulo sya ng alagad nyang si Hudas. Itatatwa sya ni Pedro. Sisigaw ang mga tao ng IPAKO SA KRUS. Masakit at mabigat ang sitwasyon ni Hesus. Pero lahat tinanggap nya ng matahimik, buo ang loob at tiwala sa Ama. 

Lahat tinanggap nya para masunod ang kalooban ng Diyos. 

Ilagay natin ang sarılı natin sa lugar. Sino kaya tayo at ano ang papel natin? Magnilay tayo. Ibukas natin ang ating puso. Gamitin ang Linggo ng Mahal na Araw para manalangin. Makinig sa Diyos. Mag ayuno. Magsisi sa kasalanan. Magbuhat ng ating Krus. At katulad ni Heaus, magbigay ng ating sarılı. At sa Easter isigaw natin, Hosanna Anak ni David, Dakila ang pagibig mo. Salamat Poong Hesus sa iyong pagliligtas.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________