L
ahat tayo ay umaasang may bagong dadating sa ating mundo—na ang kaguluhan ay mapapalitan ng kaayusan, at maghahari ang kapayapaan, katarungan, at paggalang sa bawat isa.
Sa Ebanghelyo ni Mateo, ipinakilala ang misyon ni Kristo sa pamamagitan ng Sermon sa Bundok, na sinundan ng sampung himala ng pagpapagaling. Ipinapakita nito na ang Salita ni Hesus ay nagbabago ng buhay at nagpapakayod sa anumang hindi makatao. Pinagagaling tayo ng Ebanghelyo upang makita at mapakinggan ang Diyos.
Kay Hesus, tinupad ng Diyos ang kanyang pangakong kalingain ang may-sakit na sangkatauhan. Ipinakita niya ang isang Diyos na may malasakit sa ating dusa. Ngunit hindi niya ito gagawin mag-isa; tinatawag Niya tayong makiisa sa pagpapagaling ng sugatang mundo.
Dalawang tungkulin ang iniatas ni Hesus: magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng sakit. Binigyan Niya tayo ng kapangyarihang ipagpatuloy ang Kanyang gawaing pagliligtas. Sa Bibliya, ang “marumi” ay anumang kalaban ng buhay—ito ang mga demonyo ng inggit, galit, poot, at kasakiman na nagiging dahilan upang ituring ang kapwa bilang kaaway sa halip na kapatid.
Dapat palayasin ang mga demonyong ito sa ating mga puso. Sa pagkakita sa maraming tao, sinabi ng Panginoon: “Masagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang manggagawa.” Tayo ang mga manggagawang iyon na dapat magkaisa upang pawiin ang poot at palitan ito ng pag-ibig ng Diyos.
Binanggit ni Mateo ang 12 apostol na kumakatawan sa 12 tribo ng Israel. Sa kabila ng kanilang mga kahinaan at pagtataksil—tulad ng pagtatwa ni Pedro at pagtatraydor ni Judas—ipinagkatiwala pa rin ni Hesus ang misyon sa kanila.
Maling pili ba si Judas? Isang teologo ang nagwika: “Hindi ko alam kung maling pili si Judas, ngunit mas mahirap itong tanong: Bakit ako ang pinili ni Hesus?” Pinili ka niya dahil may misyon siya para sa iyo.a pamamagitan ng ating paglilingkod at pagtulong sa ating mga kapatid na nahihirapan sa buhay. Sabi ni Hesus, “ang pagkain ito ay nagbibigay buhay sa sanlibutan.” Tayo bilang Simbahan magbibigay buhay sa sanlibutan. Ang Simbahan, o ang Katawan ni Kristo ay nagbibigay buhay sa sanlibutan. Sa pagtulong ng ating mga kapatid na nawalan ng trabaho, sa pamamagitan ng pagdadasal sa mga may mga karamdaman, atin silang matulungan upang magkaroon sila ng direksyon at pag-asa sa buhay.
Bilang katawan ni Kristo, tayo ay may misyon. At ang ating misyon ay pagbibigay buhay para sa sanlibutan!
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Claretian Publications









