
Sa ating sama samang pag﹣uusap at pagdarasal, kasama natin si Hesus” Paano nga ba magpatawad sa nakagawa sa atin ng masama o kasalanan? Simple ang patnubay ni Hesus. Diyalogo at pag﹣uusap at pagdarasal. Anumang hindi pagkakaunawaan o misunderstanding, mahalaga ang pag﹣uusap at pakikinig sa isa’t isa. Mahalaga na hangarin ang kapayapaan at kaayusan ng relasyon at ugnayan sa pamilya at komunidad.
Bagamat mahirap minsan harapin ang nakasakit sa atin, ang payo ni Hesus ay mahalaga. Magusap, makinig, mag unawaan ay magpatawad. Ngayon, kung sa kabila ng ating efforts o pag reachout o pakikipag-usap o pakikipagkasundo eh wala pa din, eh mahalaga pa din na mag alay ng panalangin sa sinumang nakasakit sa atin.
Ang magpatawad ay pagpapalaya din sa ating sarili at bigat sa kalooban na ating dinadala. Sabi nga ni Hesus di ba “Mapalad ang mga peacemakers at tatawagin silang mga anak ng Diyos”.
At mahalaga din na tayo ay mag tiwala sa Diyos na sa gitna ng pan-demya eh andyan sya at pinakikinggan ang ating mga panalangin. At sabinga nya “Pag may dalawa o tatlo na
nagkakatipon at dudulog sa kanya ay kanyang didinigin at tutugunan.” Kaya mahalaga na tuloy tayo sa pagdarasal kasama ang ating pamilya. Magdasal, manahimik at lagi tayong tumawag sa Diyos. Andyan sya lagi at nakikinig sa atin.
• FFather Arnold Abelardo CMF