Madalas pag may sakit tayo o myembro ng ating pamilya lagi tayong nag re request ng prayers for healing sa kaibigan or pari o madre. Alam natin na may power ang prayers sa paggaling ng maysakit.
Si Hesus ang taga hilom ng lagnat at ba pang karamdaman.
Alam ni Pedro ang kapangyarihan ni Hesus kaya inilapit nya agad ang kanyang biyenan para pagalingin. May tiwala si Pedro at mga alagad sa kabutihan ni Hesus.
Ang maganda naman sa biyenan ni Pedro ay ang kanyang paglilingkod agad sa pangangailangan ni Hesus at mga alagad. Ang healing power ni Hesus ay nagdudulot ng lakas at pagasa para patuloy maglingkod sa kapwa.
Sa mga lakad ni Hesus makikita natin na ang pag kalinga sa maysakit at Inaalihan ng demonyo o masamang Espiritu ay bahagi ng kanyang misyon.
Kaya para sa atin, anumang karamdaman ang ating pinagdaraanan ilapit natin agad kay Hesus. Kung ang ating mahal sa buhay o kaibigan ay maysakit, sabihin agad natin kay Hesus na paggalingin nya. Mag tiwala tayo sa healing power ni Hesus. At mag tiwala tayo sa kanyang kalooban.
Mahalaga din na tayo ay mag alaga at magkalinga ng maysakit. Dalawin natin ang may sakit. Ipagdasal natin ang mga maysakit.
Naway pagalingin ni Hesus ang ating mga karamdaman at gawin nya tayong instrumento ng malasakit at pagmamahal sa mga maysakit.
Panginoong Hesus pagalingin mo po kami.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Father Arnold Abelardo CMF









