
Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas! Tatambakan ang bawat lambak, at titibagin ang bawat burol at bundok. Tutuwirin ang daang liku-liko, at papatagin ang daang baku- bako. At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’”(Lc. 3: 5-6).
Si Juan ang tinig, ang sumigaw sa ilang. Dahil si Juan ay namuhay ilang, napakinggan n’ya ang kanyang misyon, na ihanda ang daraanan ng ating Mesiyas. Kung gusto natin mapakinggan ang tinig ng Diyos, tularan natin si Juan. Maglaan tayo ng oras o panahon para magnilay at manalangin.
Karamihan sa atin ngayon ay parang ayaw na ng tahimik. Pag walang ginagawa hinihawakan ang “mobile phone” para ilibang ang sarili. Parang ayaw na natin sa tahimik.
Kailangan din natin ng tahimik, upang mapagnilayan ang ating buhay. Dahil si Juan ay namuhay sa tahimik napakinggan n’ya ang kanyang misyon sa buhay. Ang paglaan ng tahimik o panahon upang magnilay ay magbibigay direksyon sa ating buhay.
Alam ni Juan ang kanyang misyon. S’ya ang tagapaghanda sa pagdating ng ating Mesiyas.
Huwag kang matakot sa tahimik, huwag kang matakot kung ikaw ay mag-isa lamang. Ito ang panahon na ating kausapin ang Panginoon. Kung may panahon tayo sa Panginoon ating makita ay ating buhay, kung ano ang dapat baguhin sa ating
pag-uugali.
Pakinggan mo Espiritu na nasa puso at ikaw ay gagabayan kung paano mamuhay ng tunay na Kristiyano.
Si Juan, ang tinig sa ilang ay naggabay sa atin upang ituwid ang ating baluktot na pamumuhay, upang ang grasya ng Diyos ay maghari sa ating buhay. At tayo maging daluyan ng pagpapala ng Diyos ay mag-misyon tulad ni Juan.
Maraming mga OFW o migrante na nawala na sa tamang Kristiyanong pamumuhay, at ito ang ating misyon na maging “tinig” o maging “Juan” upang mapagsabihan at magabayan ang ating mga kapatid na ang makasariling o maka-mundong tinig na lamang ang kanilang pinakinggan.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Hindi na pinakinggan ang tinig na magbibigay sa atin ng kapayapaan, katahimikan at kalayaan. Ang pagsunod sa tinig ni Juan, ang pagbabago ng ating maling pamumuhay ay magbibigay sa ating ng tunay na kalayaan.
Sa ating paghahada sa panahon ng Adbiyento patuloy tayong magnilay sa kabutihan na Diyos at makinig sa tinig ng Diyos upang ating makamtan ang kapayapaan at kalayaan!
Ang tinig ni Juan, kung pagkinggan ay magbibigay sa ating ng kalayaan.
Father Jay Flandez SVD