Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Banal na Santatlo. Ito ang Dakilang Kapistahan ng Santisima Trinidad. Ito’y hindi isang abstraktong palaisipan sa matimatika kung saan ang isa ay katumbas ng tatlo (1 = 3); ito’y isang teolohiyang mahirap man ipaliwanag o maintindihan ng isang payak na kaisipan subalit ito ay katotohanang inaarok ng pananampalatayang Kristiyanong Katoloiko sa gabay ng Simbahan. Ang ating pananampalataya ay nagsasabing merong Isang Diyos at sa iisang Diyos na ito ay napapaloob ang magkakaibang katangian ng Tatlong Persona: Ama, Anak at Eepiritu Santo.
Batay sa ating Katisismo ang bawat personang nabanggit ay may ibat-ibang katangian at kakanyahan: Ama ng siyang Lumikha (Creator); Anak na Siyang Tagapagligtas (Redeemer) at Espiritu Santo’ng Patnubay (Sanctifier). Ang bawat isa sa mga personang ito ay tunay na Diyos, at gayunpaman ay iisa lamang na Diyos. Hindi natin ito lubos na maunawaan, at hindi natin ito paniniwalaan kung hindi ito sinabi sa atin ng Diyos; gayunpaman, marami ang ibinahagi sa atin ng Panginoong Hesus tungkol sa Diyos. Sinabi Niya sa atin na ang Diyos ay Pag-ibig, Buhay at Kabutihan.
Upang magkaroon ng kaganapan ang ating pagkatao, kailangan nating magkaroon ng ugnayan sa ating Diyos. Hindi natin hinahayaang maputol ang ugnayan sa naka paligid sa atin at sa ating Diyos. Subukan nating isipin ang mga malungkot at masakit na karanasan ng pagtatakwil o pagtataksil ng pamilya at mahal sa buhay o di kaya’y kaibigan; ang pagkakataong nadama mong ikaw ay nag-iisa; iyong di mo kayang kumaing mag-isa; namamanglaw at tila hinahanap mo ang mga mahal mo sa buhay, at labis na nangangailangan ka ng pagkakaisa.
Nilikha tayo sa wangis at larawan ng Diyos at ang Diyos ay ugnayan at komunyon. Kaya gayon din tayong mga tao. Nagsusumikap tayo para sa patuloy na pagkakaisa at ugnayan natin sa Diyos at sa bawat isa. Ang ugnayang ito ng pakikiisa ay patotoo sa Santisima Trinidad o Banal na Santatlo. Sinasabi ng Santatlo na ang Diyos ay ugnayan kaya tayo ay naghahangad; ang Diyos ay pamayanan kaya tayo ay nagmamatyag; ang Diyos ay pag-ibig kaya tayo ay nagmamahal. Hindi natin ito mapipigilan sapagkat sinasalamin natin ang ating pagiging kawangis ng Diyos.
Ang Diyos ng pag-ibig at pagkakaisa ay hindi nahahati at tayo’y nagsusumikap gampanan ang parehong bagay. At hindi nakapagtatakang tayo mga nilikha niya sa kanyang larawan at wangis ay nakatuon din sa ugnayan ng pagkakaisa sa diwa at damdamin. Naway ang dakilang kapistahang ito ng Banal na Santatlo ay magdulot sa atin ng malalim na ugnayan at pagkakaisa bilang sambayanan ng Diyos at tunay na Simbahan ng pagkakaisa. Aman.N
gayon ay ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Banal na Santatlo. Ito ang Dakilang Kapistahan ng Santisima Trinidad. Ito’y hindi isang abstraktong palaisipan sa matimatika kung saan ang isa ay katumbas ng tatlo (1 = 3); ito’y isang teolohiyang mahirap man ipaliwanag o maintindihan ng isang payak na kaisipan subalit ito ay katotohanang inaarok ng pananampalatayang Kristiyanong Katoloiko sa gabay ng Simbahan. Ang ating pananampalataya ay nagsasabing merong Isang Diyos at sa iisang Diyos na ito ay napapaloob ang magkakaibang katangian ng Tatlong Persona: Ama, Anak at Eepiritu Santo.
Batay sa ating Katisismo ang bawat personang nabanggit ay may ibat-ibang katangian at kakanyahan: Ama ng siyang Lumikha (Creator); Anak na Siyang Tagapagligtas (Redeemer) at Espiritu Santo’ng Patnubay (Sanctifier). Ang bawat isa sa mga personang ito ay tunay na Diyos, at gayunpaman ay iisa lamang na Diyos. Hindi natin ito lubos na maunawaan, at hindi natin ito paniniwalaan kung hindi ito sinabi sa atin ng Diyos; gayunpaman, marami ang ibinahagi sa atin ng Panginoong Hesus tungkol sa Diyos. Sinabi Niya sa atin na ang Diyos ay Pag-ibig, Buhay at Kabutihan.
Upang magkaroon ng kaganapan ang ating pagkatao, kailangan nating magkaroon ng ugnayan sa ating Diyos. Hindi natin hinahayaang maputol ang ugnayan sa naka paligid sa atin at sa ating Diyos. Subukan nating isipin ang mga malungkot at masakit na karanasan ng pagtatakwil o pagtataksil ng pamilya at mahal sa buhay o di kaya’y kaibigan; ang pagkakataong nadama mong ikaw ay nag-iisa; iyong di mo kayang kumaing mag-isa; namamanglaw at tila hinahanap mo ang mga mahal mo sa buhay, at labis na nangangailangan ka ng pagkakaisa.
Nilikha tayo sa wangis at larawan ng Diyos at ang Diyos ay ugnayan at komunyon. Kaya gayon din tayong mga tao. Nagsusumikap tayo para sa patuloy na pagkakaisa at ugnayan natin sa Diyos at sa bawat isa. Ang ugnayang ito ng pakikiisa ay patotoo sa Santisima Trinidad o Banal na Santatlo. Sinasabi ng Santatlo na ang Diyos ay ugnayan kaya tayo ay naghahangad; ang Diyos ay pamayanan kaya tayo ay nagmamatyag; ang Diyos ay pag-ibig kaya tayo ay nagmamahal. Hindi natin ito mapipigilan sapagkat sinasalamin natin ang ating pagiging kawangis ng Diyos.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Ang Diyos ng pag-ibig at pagkakaisa ay hindi nahahati at tayo’y nagsusumikap gampanan ang parehong bagay. At hindi nakapagtatakang tayo mga nilikha niya sa kanyang larawan at wangis ay nakatuon din sa ugnayan ng pagkakaisa sa diwa at damdamin. Naway ang dakilang kapistahang ito ng Banal na Santatlo ay magdulot sa atin ng malalim na ugnayan at pagkakaisa bilang sambayanan ng Diyos at tunay na Simbahan ng pagkakaisa. Aman.
Father Jerry M. Perocho SVD









