
Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin.” ( Lc. 21: 12-13).
Ang mga alagad ni Hesus ay pinaalalahan na hindi madali pag sila’y sumunod sa kanya. May mga taong hindi matutuwa na sila’y naging alagad kay Kristo. May mga taong nasa kapangyarihan na ayaw malaman ang katotohan ang daan tungo sa tunay na kaligtasan. At ito ang dahilan na ang mga Kristiyano ay inuusig, pinahirapan upang sila’y tumahimik at huminto sa pagpalaganap ng katotohan, ang Ebanghelyo ni Kristo.
Naalala ko ang isang pelikula, na ang pamagat ay “Silence.” Ito ay kwento ng mga Heswita na mga misyonero na pumunta sa Japan upang ipalaganap ang Kristiyanismo. Marami ang kanilang naakay at naging tapat na mga Katoliko. Pero ang pamahalaan ng Japan ay naglunsad na ipahinto itong Kristiyanismo, ipinagbawal na ang Kristiyanismo sa kanilang bansa. Ang lahat ng mga Katoliko ay nagtago. Pero patuloy parin ang mga Misyonero sa kanilang pag-aalaga ng mga Katoliko. Dahandahan silang nadakip at sila’y papalayain kung itatakwil nila ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pag-apak ng imahen ni Kristo.
May mga Katoliko na sa kabila ng pang-aapi, paghihirap hindi nila itinakwil ang kanilang pananampalataya. Ito ang sinasabi ni Kristo sa ating Ebanghelyo; “At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin.” Ang mga pag-uusig ay pagkakataon para ipakita ang ating pananampalataya .
Bilang mga alagad ni Kristo handa tayo sa mga pagkakataon sa mga pag-uusig, paghihirap; ito ang mga pagkakataon na ating ipakita ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng hindi pagsuko sa ating pagsunod at pagmamahal sa Diyos at pag-gawa ng mabuti sa kapwa.
Ang mga suliranin sa buhay, ay isang pagkakataon upang ipakita natin ang ating tiwala kay Kristo. Hindi tayo mawalan ng pag-asa dahil kay Kristo lahat ay may tagumpay. Kung tayo ay nasaktan, pinahirapan ito ay pagkakataon na ating ipadama ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kapwa. Hindi madali ang magpatawad, humingi tayo ng grasya sa ating Panginoon upang maging saksi tayo sa Kanyang pagmamahal.
Ang mga pagsubok sa buhay, ang mga pag-uusig ay isang pagkakataon na ating ipakita ang ating pagmamahal kay Kristo sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ating pananampalataya.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Father Jay Flandez SVD